Pagbubukas ng Baguio City sa mga turista, ipinagpaliban sa susunod na linggo

Iniusog sa susunod na linggo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang nakatakdang pagbubukas muli sa turismo ng “Summer Capital of the Philippines”, ang Baguio City.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ng contact tracing czar na bukas ay launching pa lamang ang magaganap at panauhing pandangal nila si Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.

Ayon kay Magalong, mayroong dalawang barangay pa kasi ang nakapagtala ng COVID-19 outbreak at kapag kanila na itong na-address ay handa na silang magpapasok ng turista sa kanilang lugar.


Una nang sinabi ng alkalde na 200 turista mula sa Region 1 muna ang papapasukin sa Baguio sa susunod na linggo.

Kinakailangang nakapagpatala muna sa kanilang website ang mga bisita, mayroong confirmed booking sa hotel para pagdating sa Baguio ay isasalang nalang sila sa triage.

Paliwanag pa nito, sa ngayon ay guided tour muna ang pinapayagan at makalipas ang 2 o 3 linggo ay posibleng payagan nang muli ang DIY o “do it yourself” tour.

Facebook Comments