Basta’t may science-based evidence at base sa rekomendasyon ng ating mga health experts, ay walang nakikitang problema si Senator Risa Hontiveros sa pagbubukas ng ating borders at pagbaba ng mga COVID restrictions sa bansa.
Ayon kay Hontiveros, normal na ang ganitong sitwasyon para sa pagbangon at mas mahusay na ekonomiya.
Pero giit ni Hontiveros, ang scientific expertise ay mahalaga sa paglalatag ng polisya lalo na pagdating sa kalusugan ng publiko.
Kaugnay nito ay inaasahan ni Hontiveros ang malinaw na mga alituntunin na ipatutupad sa susunod na mga araw ukol sa pagluluwag sa pagpasok ng mga byahero mula sa ibang bansa at pagbaba sa Alert Level 2 ng restrictions sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar.
Paliwanag ni Hontiveros, kailangang klaro ang mga patakaran upang walang masayang na oras at hindi masagad ang pasenya ng mamamayan.