PAGBUBUKAS NG DIANAO-BACULOD ROAD, HILING NG PAMUNUAN NG BRGY. DIANAO

Cauayan City – Isa ang barangay Dianao sa mga lugar na nasa bahagi ng liblib at malayong barangay sa lungsod ng Cauayan.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Secretary Ardy Laureta, bagama’t natapos na ang pagsesemento ng kalsada sa kanilang lugar at maayos na ang daan para sa mga sasakyan, masyado pa ring malayo ang kanilang bina-byahe kapag pupunta sa mga karatig barangay at sa sentro ng lungsod ng Cauayan.

Dahil dito, isa ngayon sa kanilang nais hilingin ay ang pagbubukas ng Dianao-Baculod Road na matatagpuan sa Purok 3 sa kanilang barangay.


Sinabi ni Ginoong Laureta na ang daang ito ay kumukunekta sa Brgy. Baculod kung saan kung sakaling mabubuksan ay malaking tulong para sa kanila dahil mababawasan ng tinatayang 5 kilometro ang kanilang dadaanan patungo sa karatig-bayan.

Sa ngayon, hindi maaaring daanan ang nabanggit na lugar dahil kinakailangang magtayo ng tulay upang madaanan dahil nasa bahagi ito ng ilog.

Facebook Comments