Mas maraming malilikhang trabaho kapag nagbukas ang ekonomiya.
Ito ang pahayag ng Malacañang matapos lumabas sa isang survey na bumaba ang joblessness sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nalulungkot sila dahil hindi pa rin bumabalik ang unemployment rate sa pre-pandemic level.
Pero nakikita naman aniya sa mga survey na nababawasan na ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.
Muling ipinaalala ni Roque na sundin pa rin ang minimum public health standards para makabalik na sa hanapbuhay ang mga nakararaming Pilipino.
Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey, ang adult joblessness ay umabot sa 27.3% o tinatayang 12.7 million jobless adults.
Ang adult joblessness ay bumaba ng 39.5% o 23.7 million adults nitong Setyembre 2020.