LINGAYEN, PANGASINAN – Patuloy ang ginagawang pagpupulong ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at mga cockpit owners at operators sa pagnanais ng mga ito na manumbalik ang face-to-face sabong.
Kaugnay naman nito, hinikayat ni Gobernador Amado “Pogi” I. Espino III ang mga cockpit owners/managers na sumunod sa mga inilabas na bagong protocol ng National Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para sa pagbabalik-operasyon ng mga sabungan na nakapaloob sa inilabas noong December 14, 2021 na IATF Resolution No. 154.
Matatandaang una nang nagkaroon ng pagpupulong ang pamahalaang panlalawigan at cockpit operators noong nakaraang Biyernes, Disyembre 10.
Kailangan umanong ikonsidera dito sa gagawing pagbabalik ng operasyon ng sabong ay ang health protocols na bagamat mababa na ang kaso ng COVID 19 ay dapat walang magpakampante. |ifmnews