Pagbubukas ng green lane ng ilang LGU, ikinalugod ng Cebu Pacific

Ikinalugod ng Cebu Pacific ang desisyon ng ilang Local Government Units (LGU) tulad ng Cauayan City, Isabela kung saan hindi na nito hinihingian ng RT-PCR test result ang mga biyaherong fully vaccinated na papasok sa kanilang lugar.

Partikular ang 14 na araw nang fully vaccinated o 14 na araw matapos na maturukan ng second dose ng COVID-19 vaccine.

Ang Cebu Pacific ang siyang natatanging air carrier na may flight sa Cauayan, Isabela kada Martes, Huwebes at Sabado.


Bukod ito sa 31 domestic destinations ng CebuPac.

Facebook Comments