Pagbubukas ng ika-apat na round ng usaping pangkapayaan, tuloy na ngayong araw

Manila, Philippines –  Naantala ang pormal na pagbubukas ng ika-apatna round ng peace talk sa pagitan ng gobyerno at National Democratic of the Philippines(NDFP).

 

Imbes kasi kahapon,ngayong araw na lang ito gagawin.

 

Ayon kay PresidentialAdviser on the Peace Process Jesus Dureza, hinintay pa kasi nila ang mgatagubilin ni Pangulong Rodrigo Duterte.


 

Aniya, nagbigay ngdirektang patnubay ang pangulo para sa bilateral ceasefire.

 

Sinabi naman ni NDFSenior Adviser Luis Jalandoni, bagama’t bukas sila sa bilateral ceasefire ayhindi dapat ito madaliin.

 

Aniya, masalimoot angusapin ito at baka mahirapan silang tapusin ito sa loob ng limang araw napulong sa Noordwijk, the Netherlands.

 

Una nang sinabi ni Duterte,na walang peace talk kung hindi mapapatupad ang kaniyang mga kondisyon.

 

Kabilang na rito anghindi na paniningil ng revolutionary tax, hindi pag-angkin sa mga lugar atpagpapalaya sa mga bihag ng New People’s Army.

 

Una nang naka-scheduleang ikaapat na round ng peace talks simula kahapon, Abril a dos na tatagalhanggang Abril a-sais.

 

Facebook Comments