Aabot sa mahigit ₱200 bilyon ang itataas sa foreign investment ng bansa dahil sa pagbubukas ng ilang mga industriya sa dayuhan.
Kasunod na rin ito ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Foreign Investment Act at sa New Public Service Act.
Dahil dito, inaasahang aabot ng ₱299 billion ang pag-angat sa foreign direct investments sa susunod na limang taon at asahan din ang pagtaas sa Gross Domestic Product (GDP) growth rate ng 0.47%.
Naniniwala naman ang House Committee on Economic Affairs na ang parehong batas ay mahalaga para sa ating post-pandemic economic recovery measures.
Bahagi rin ito ng pagkilos para makahikayat ng malaking capital o puhunan at matulungan ang mga industriyang bumangon muli mula sa pagkakalubog sa epekto ng pandemya.
Facebook Comments