Pagbubukas ng Kadiwa ng Pangulo sa SJDM, Bulacan, pinangunahan ni Pang. Marcos

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagbubukas ng “Kadiwa ng Pangulo” (KNP) sa Barangay Dulong Bayan sa San Jose Del MOnte City, Bulacan.

Tinatayang 50 sellers mula sa Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD),  Department of Labor and Employment (DOLE), at local government unit (LGU) ang kalahok sa nasabing Kadiwa program.

Layunin ng KNP na gawing accessible sa publiko ang abot-kayang halaga ng mga bilihin para matulungan sila sa epekto ng global inflation.


Kumikita rin dahil sa KNP ang mga magsasaka, mangingisda at maliliit na small business owners sa pamamagitan ng farm-to-market consumer trade.

Simula ng ilunsad ang KNP noong Pebrero, umabot na sa P5.3 million ang naitalang total sales nito.

Inaasahang tataas pa ang datos dahil magbubukas pa ng mas maraming Kadiwa outlets ngayong taon.

Facebook Comments