Isinagawa ang pilot implementation ng Pag-IBIG Barkada Loan o Pag-IBIG BFF sa kanilang Dagupan Branch sa Mayombo, Dagupan City kahapon matapos ang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa pagitan ng kanilang business partner para sa Loyalty Plus Card partnership.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal ng Pag-IBIG Fund, members at partners upang masaksihan ang pagkilala sa pilot business ng Barkada Loan sa North Luzon.
Ayon sa panayam ng IFM Dagupan kay Atty. Pimentel, layunin ng programang ito na magbigay ng mas madaling access sa pautang para sa mga miyembro sa pamamagitan ng barkada o grupo, bilang bahagi ng mga inisyatibo ng Pag-IBIG Fund sa pagpapalawak ng kanilang serbisyo.
Binubuo ang Barkada Loan ng tatlong katao o higit pa, na miyembro ng Pag-IBIG, bilang pamantayan sa pagkuha ng loan.
Samantala, binigyang-diin naman ng franchisor sa naturang pilot business ang hatid nilang discount para sa mga miyembro ng Barkada Loan.
Kaugnay sa balita, ayon sa ahensya, bagamat sa taong 2026 pa ang inaasahan ang full-implementation ng Barkada Loan, bukas na ang tanggapan ng Pag-IBIG Fund para sa mga nais mag-franchise o maging franchisor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






