Muling nanindigan ang Department of Education (DepEd) na mananatili sa August 24, 2020 ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.
Sa public briefing, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na ang mga paaralan sa maraming rehiyon sa bansa ay handa na sa gitna ng pandemya.
Iginiit ni Briones na hindi nila babaguhin ang petsa ng school re-opening sa bansa.
Sa mga pribadong paaralan naman, sinabi ng kalihim na nasa pamunuan ng eskwelahan ang pasya kung kailan sila magsisimula ng klase pero kailangang mayroong katanggap-tanggap na katwiran.
Samantala, ipinagmalaki rin ng DepEd na naging matagumpay ang simulation ng alternative at blended learning sa pamamagitan ng online, radio at TV sa Navotas City.
Facebook Comments