Pagbubukas ng klase, matagumpay – DepEd

Ipinagmalaki ng Department of Education (DepEd) na naging matagumpay ang pagbubukas ng klase sa harap ng ilang hamon at problema.

Sa gitna ng COVID-19 pandemic, muling bumalik ang klase sa pamamagitan ng blended learning kung saan hindi kailangang pumasok ng mga estudyante para maiwasan ang transmission ng virus.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mayroong ilang problema sa pagpapatupad ng blended learning lalo na noong unang araw ng pagbubukas ng klase, pero mabibilang lamang aniya ito sa daliri.


“Generally, as a whole, very successful ang launching. Mabibilang mo sa daliri sa isang kamay ‘yung mga may problema,” ani Briones.

Sa ilalim ng distance learning, ibibinigay ang aralin sa mga estudyante sa pamamagitan ng self-learning modules, broadcast media at ng internet.

Facebook Comments