Pagbubukas ng klase ng eskwelahan na may pinakamalaking populasyon sa Region 1 naging matiwasay

Mangaldan Pangasinan – Sa naging overall assessment ng pamunuan ng Mangaldan National High School na may pinakamalaking populasyon ng mga estudyante sa region 1, naging maayos ang pagbubukas nila ng klase ngayong araw.

Ayon kay Dr. Leo Blaquir, Principal IV ng Mangaldan National High School tanging sa paghahanap ng sections nahihirapan ang kanilang mga estudyante dahil narin sa umaabot ito ng 20 hanggang 30 sections bawat year level at pinakamarami ang mga nasa Grade 8 level. Sa datos ng kanilang pamunuan aabot na sa ngayon sa humigit kumulang 8,000 ang kanilang populasyon at inaasahan pang madadagdagan ito dahil narin sa mga late enrollees hanggang katapusan ng Agosto.

Samantala, siniguro naman ni Dr. Blaquir na sapat ang bilang ng kanilang classrooms at walang double class shifting na mangyayari. Bukod dito inaasahan nilang madagdagan pa ang kanilang teaching force upang mapunan ang kakulangan ng guro lalo na sa senior high school.


Facebook Comments