Pagbubukas ng klase para sa School Year 2021-2022, posibleng sa August o September ayon sa DepEd

Magpepresinta ang Department of Education (DepEd) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng ilang opsyon para sa nalalapit na pagbubukas ng klase ngayong school year 2021-2022.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na posibleng mangyari ang school opening sa August o September.

Magkagayunman, subject pa rin aniya ito ng approval ni Pangulong Duterte.


Ani Briones, magbibigay sila ng proposal para sa school opening, una rito ay ‘yung sang-ayon sa umiiral na batas na gawin ito sa Agosto at posible ding sa first o second week ng Setyembre.

Giit ng kalihim, si Pangulong Duterte pa rin ang may final say hinggil sa pagbubukas ng klase ng mga mag-aaral.

Hinggil naman sa pagbabalik ng face-to-face classes, nananatiling ang pangulo ang mag-aapruba kung muli na niya itong papayagan.

Makailang ulit na ring sinabi ng Palasyo na hangga’t hindi pa protektado o bakunado ang majority ng mga Pilipino ay wala munang magaganap na face-to-face classes.

Facebook Comments