Pagbubukas ng klase sa Agosto, hindi na maaaring ipagpaliban – DepEd

Umapela ang Department of Education (DepEd) kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan silang ituloy ang paghahanda para sa nalalapit na bagong school year batay sa kanilang road map.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ipupursige nila ang pagbubukas ng klase sa August 24.

Iginiit ni Briones na walang face-to-face classes na isasagawa pero patuloy na ang paghahanda ng kagawaran.


Aniya, sinimulan nilang ipatupad ang road map mula nitong Mayo.

Kaugnay nito, nakausap na rin ni Briones ang dalawang telecommunication companies para sa paghahatid ng libreng internet access.

Dagdag pa niya, ang mga walang radyo, telebisyon, at internet ay bibigyan ng learning modules.

Sa huling datos ng DepEd, aabot na sa 10,654,795 ang nag-enroll online.

Ang CALABARZON at Central Luzon ang may pinakamataas na enrollees.

Facebook Comments