Pagbubukas ng klase sa August 23, nananatiling opsyon ayon sa DepEd

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na ang plano nitong buksan ang School Year 2021-2022 sa August 23 ay isa lamang sa mga opsyon na maaari nilang iprisenta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa statement ng Deped, sinabi ng kagawaran na marami silang opsyon na ipipresenta sa pangulo.

Sa ngayon, nagsasagawa pa sila ng konsultasyon at pag-aaral kasama ang mga concerned stakeholders upang matukoy ang mga nararapat na aksyon.


Pero ayon sa DepEd, hawak pa rin ni Pangulong Duterte ang pinal na desisyon hinggil sa usapin.

Matatandaang inihayag noong Martes ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na tinitingnan na ng ahensya na simulan ang susunod na pasukan sa August 23 kung saan pinaikli ang bakasyon ng mga guro at estudyante sa anim na linggo mula sa dating walong linggo.

Facebook Comments