Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbabalik ng orihinal na school calendar sa mga pampublikong paaralan sa bansa sa susunod na taon.
Kaya naman ang pagbubukas ng mga klase para sa school year 2024-2025 ay magsisimula sa July 29 ngayong taon at magtatapos sa Abril 15, 2025.
Sa sectoral meeting ni Pangulong Marcos kasama si DepEd Sec at VP Sara Duterte noong Martes, ay naglatag ng dalawang opsyon DepEd para sa school calendar shift.
Ang unang opsyon ay binubuo ng 180 araw ng pasukan na may 15 in person classes tuwing Sabado habang ang pangalawang opsyon ay magkaroon ng 165 araw na araw ng pasok at na walang in person na klase sa Sabado.
Ang dalawang opsyon ay parehong magtatapos sa SY sa Marso 31, 2025.
Ngunit sinabi ng pangulo na ang 165-araw na kalendaryo ay “masyadong maikli” dahil mababawasan ang bilang ng mga araw ng pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral at guro na maaaring makompromiso ang resulta ng pag-aaral.
Hindi rin niya nais na ang mga mag-aaral ay pumapasok sa paaralan tuwing Sabado upang kumpletuhin ang 180-araw days.
Bilang kompromiso, sa halip na magtapos sa Marso 31, 2025, dapat ayusin ng DepEd ang SY upang matapos sa Abril 15, 2025 upang makumpleto ng mga mag-aaral ang 180 araw nang hindi gumagamit ng Sabado para pumasok sa paaralan.