Pagbubukas ng klase sa Marawi City sa Lunes, kinansela na ng DepEd

90

Manila, Philippines – Kinansela na ng Department of Education ang araw ng pagbubukas ng klase sa Marawi City.

Kasunod ito ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng mga militar at Maute group sa naturang syudad.


Kasabay nito, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na hindi pa napagpapasyahan kung kailan muling itatakda ang pasukan sa nasabing lugar.

Bibitahin din ng mga opisyal ng DepEd ang mga evacuation centers upang makita kung maaring magsagawa ng temporary class ang mga estudyanteng naapektuhan ng kaguluhan.

Sa Lunes, Hunyo 5 natakadang magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

DZXL558




Facebook Comments