Manila, Philippines – Ipinagpaliban muna ng Department of Education ang pagbubukas ng klase sa Marawi City.
Ayon kay DepEd Undersecretary Jesus Mateo, posibleng abutin pa sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hulyo magbubukas ang mga klase sa Marawi City at ilang bahagi ng Lanao Del Sur.
Giit ni Mateo, ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante maging ng kanilang mga kawani.
Paglilinaw naman ni Mateo na magsasagawa na lang ng make-up classes kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon sa lalawigan.
DZXL558
Facebook Comments