Binigyang diin ni Committee on Education Chairman Senator Win Gatchalian, na base sa batas ay maaring i-atras hanggang sa buwan ng Agosto ang pagbubukas ng klase sa Hunyo.
Sabi ni Gatchalian, ito ang pinag-aaralang ipatupad ng Department of Education (DepEd) na aksyon sa harap ng COVID-19 pandemic.
Binanggit ni Gatchalian na ipinaalam ito ng DepEd sa kanilang isinagawang consultative meeting na idinaan sa teleconferencing.
Nagsasagawa pa aniya ng konsultasyon ang DepEd at target nitong makapaglabas ng desisyon bago matapos ang buwan.
Ayon kay Gatchalian, kasama sa plano ng DepEd ay ang pagpapatupad ng physical distancing sakaling magbukas na ang klase.
Lilikha din aniya ng mekanismo ang DepEd para magpatuloy pa rin ang pagbibigay ng edukasyon sa mga mag-aaral habang wala pang klase.