PAGBUBUKAS NG KLASE SA PANGASINAN, PANGKALAHATANG NAGING MAPAYAPA AYON SA PPO

Generally peaceful o payapa ang kaganapan sa opisyal na pagbubukas ng klase para sa panibagong school year nitong June 16 2025, sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan Police Provincial Office Public Information Officer PCpt. Aileen Catugas, naging maayos ang pagbubukas ng klase sa lalawigan.

Wala rin umanong naitalang anumang insidente sa lalawigan.

Nauna nang nagsagawa ang hanay bilang paghahanda ng mga aktibidad tulad ng mobilization, pagkakasa ng mga foot and mobile patrols, koordinasyon sa DepEd at LGUs, activation ng quick response team at paglunsad ng mga pagsasanay sa mga estudyante.

Magpapatuloy din ang pagbabantay ng mga deployable police personnels sa mga mataong pampublikong lugar tulad sa eskwelahan at kakalsadahan sa lalawigan upang maantabayan ang sitwasyon, at matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Nasa halos dalawang libong mga kapulisan ang naka standby sa iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan.

Paalala ni Catugas sa publiko na ugaliing maging alerto sa oras anumang oras. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments