Pagbubukas ng Kongreso ngayong araw, sinabayan ng action protest ng iba’t ibang manggagawang grupo

Abot sa 300 na miyembro ng iba’t-ibang militanteng grupo ang nagsagawa ng action protest sa harapan ng tanggapan ng Kongreso sa Batasan, Quezon City.

Ito ay upang salubungin ang muling pagbabalik ng mga mambabatas mula sa mahabang bakasyong grande matapos ang recess ng house mahigit isang buwan na ang nakaraan.

Kabilang sa mga lumahok ang grupo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas, Partido Lakas ng Masa, at iba pang progresibong organisasyon.


Dito, sabay-sabay nilang ipinanawagan na ipasa na ang national legislatated wage increase para sa mga manggagawang Pilipino.

Ayon sa grupo, napakabagal ng kongreso na solusyunan ang tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at iba pa.

Bigo rin anila ang mga mambabatas na maipasa ang legislated wage increase sa kabila ng patuloy at lumalalang krisis ng inflation at pananatiling mababang sahod ng mga manggagawa.

Kanila ring hiniling na wakasan na ang provincial rate at buwagin na ang mga regional wage board.

Facebook Comments