PAGBUBUKAS NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES SA LONGOS ELEMENTARY, MATAGUMPAY NA NAIRAOS

ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Matagumpay na umarangkada sa lungsod ng Alaminos ang pagbabalik ng klase ng mga estudyante matapos itong matigil ng halos dalawang taon kasabay ng paglulunsad ng pilot run ng face-to-face classes sa buong bansa.

Nasa mahigit walumpung (80) mag-aaral mula sa Longos Elementary School ang lumahok para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes ng Department of Education (DepEd) kung saan ang naturang paaralan ang bukod tanging paaralan dito sa Pangasinan na napabilang sa naturang paglulunsad.

Siniguro naman ng pamunuan ng naturang paaralan ang buong kaligtasan ng mga bata kung saan may hand washing station, nakasuot ng face mask at face shield, may mga barrier ang bawat upuan ng mga ito upang masiguro na nasusunod ang health protocols.


Sinaksihan ng alkalde ng lungsod at ni DepEd Alaminos City Division Superintendent Dr. Lorna G. Bugayong at ASDS Rosario Cabrerra ang pagbabalik eskwela mga estudyante ng kindergarten hanggang grade 3 na tumanggap rin ng kani-kanilang school supplies mula sa iba’t ibang organisasyon.

Ang Longos Elementary School na matatagpuan sa Barangay Pangapisan na nasa dulong bahagi ng lungsod at walang naitalang kaso ng COVID-19. Ito ang nag-iisang pampublikong paaralan sa Pangasinan na napabilang isinagawang pilot testing ng limited face to face classes sa bansa.###

Facebook Comments