Pagbubukas ng Manila Zoo, muling ipinagpaliban

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na kanilang ipinagpaliban ang muling pagbubukas ng Manila Zoo.

Nabatid na sa November 15 sana ang petsa ng muling pagbubukas ng Manila Zoo pero muli itong itinakda sa November 21, 2022.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, ito ay dahil sa pakiusap ng mga stall owners para lalo nilang mapaganda at mapag-handaan ang tuluyang pagbubukas ng Manila Zoo.


Aniya, tuloy-tuloy pa rin naman ang pagsasaayos sa Manila Zoo kung saan sakaling mabuksan na ang operasyon nito ay mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi pero ang cut-off sa pagpasok ay hanggang alas-6:00 ng gabi.

Ang admission fees naman para sa mga bata at nakakatanda ay nasa P150 para sa mga Manileño at P300 sa hindi residente ng lungsod.

P100 naman para sa mga estudyante kapag nakatira sa lungsod ng Maynila at P200 kapag hindi kung saan may 20% discount ang mga senior citizens at PWD’s.

Ang mga bata naman na may edad 2-taong gulang pababa ay libreng makakapasok.

Paalala ng Manila Local Government Unit (LGU), kinakailangang magpa-rehistro online habang ang pagbebenta ng tiket ay magsisimula sa November 20, 2022 sa website na manilazoo.ph.

Facebook Comments