Binigyan ng Department of Trade and Industry ng kapangyarihan ang Local Government Units (LGUs) sa pagtatakda ng muling pagbubukas ng mga fitness center, internet cafés, at iba pang negosyo sa kanilang nasasakupan.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, ipinasasakamay na nito sa LGUs ang pagtataya kung hisk risk pa o hindi na sa COVID-19 ang kanilang lugar para sa pagbubukas ng negosyo.
Nakikipag-ugnayan din ang DTI sa mga Metro Manila Mayor para sa karagdagang guidelines sa ipatutupad na health protocols para sa pagbubukas ng mga gyms at internet cafés, katulad ng paglalagay ng air purifiers para sa magandang sirkulasyon ng hangin.
Matatadaang noong lunes, pinayagan na ng DTI ang reopening ng mga fitness gyms, drive-in cinemas, computer shops, at ibang business establishment sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).