Pagbubukas ng mga negosyo, hindi sapat para sa pagbangon ng ekonomiya

Hindi sapat ang pagbubukas ng mga negsoyo para makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang inihayag ni Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa kaugnay sa resulta ng SWS survey na nagsasabing apat sa sampung pamilyang pilipino ang naniniwalang mahirap sila.

Inihayag nito na hindi sapat ang pagluluwag ng alert level status sa pagbangon muli ng mga negosyo.


Ayon kay Africa, mahalaga pa rin ang pagpapaigting ng health measures ngayong may banta ng Omicron variant.

Dagdag pa nito, dapat kailangang bigyan ng ayuda ang mga maliliit na negosyo at mahihirap na pamilya upang makasabay sila sa muling pag-arangkada ng ekonomiya.

Facebook Comments