Pagbubukas ng mga sementeryo sa Oct. 30 at 31, hiniling ng ilang LGU sa national government

Hiniling ng ilang Local Government Units (LGUs) sa national government na payagan ang pagbubukas ng ilang public cemeteries sa October 30 at 31 bilang pag-obserba na rin sa nalalapit na Undas.

Ayon kay League of Provinces of the Philippines President Marinduque Governor Presibitero Velasco Jr., may ilang LGUs na mababa ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar kaya umapela sila sa Inter-Agency Task Force (IATF) na kung maaari ay payagan silang magbukas ng mga sementeryo.

Kasabay nito, tiniyak ni Velasco ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.


Una nang naglabas ang IATF ng resolusyon na nagpapasara sa lahat ng sementeryo sa bansa mula October 29 hanggang November 2 upang maiwasan ang superspreader event sa Undas.

Bukod dito, nagbaba rin ng guidelines ang pamahalaan kung saan ang mga bibisita na pamilya ay lilimitahan lang sa sampu katao kada grupo habang nasa 30% capacity lang ang papayagan sa loob ng sa sementeryo.

Facebook Comments