Pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Cebu, pangungunahan ni Pangulong Marcos

Biyaheng Cebu ngayong araw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa dalawang aktibidad.

Pangungunahan ng pangulo ang pagbubukas ng ika-64 na Palarong Pambansa sa Cebu City Sports Center mamayang alas-5:00 ng hapon.

Bukod sa pangulo, inaasahang dadalo rin sina Vice President Sara Duterte, DILG Secretary Benjamin Abalos, Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann, Cebu Governor Gwendolyn Garcia, at iba pang LGU officials.


Pero bago magtungo sa Palarong Pambansa, dadalo muna ang Pangulo sa inagurasyon ng Compostella Works of Steelasia Manufacturing Corporation sa Compostella, Cebu, ng alas-3:00 nang hapon.

Ito ang isa sa may pinakamalalaking planta ng bakal sa bansa at may malaking kontribusyon sa industriya ng bakal.

Facebook Comments