Tuloy pa rin ang pag-co-convene ng Kamara at Senado sa Mayo 4 para sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso.
Paliwanag ni House Speaker Alan Peter Cayetano, ito ang nakasaad sa konstitusyon kaya kailangang sundin ng Senado at Kamara.
Sa ngayon, aniya ay hinihintay na lamang nila ni Senate President Tito Sotto III ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sakaling naka-quarantine pa rin ang buong Luzon pagsapit ng May 4, gagawin na lamang online ang sesyon ng mga Kongresista.
Kumpiyansa naman si House Majority Leader Martin Romualdez na wala silang magiging problema sa paggamit ng electronic technology.
Facebook Comments