Manila, Philippines – Pinangunahan ni ChinesePresident Xi Jin Ping ang pagbubukas ng silk road summit sa Beijing, kahapon.
Layunin ng summit na buhayin ang sinaunang traderoutes mula asia hanggang Europa at Africa.
Sa ilalim ng political vision ng China – gustonitong magtayo ng mga daungan, railways at iba pang pasilidad sa iba’t ibangpanig ng mundo.
At para sa maisakatuparan ang proyekto –nag-pledge ng karagdagang $124 bilyon ang China na pangangasiwaan ng ChinaDevelopment Bank.
Dahil dito – aabot na sa kabuuang $890 bilyonang pledge ng China para sa siyamnaraan (900) na proyekto na inaasahangpakikinabangan ng nasa 65 mga bansa.
Kabilang sa mga nakahanay na proyekto ang China-Europerailway express na mag-uugnay sa 27 syudad sa China at 28 syudad sa Europa.
Magkakaroon rin ng mga daungan sa Pakistan tungosa Northwestern City sa Xinjiang province sa China habang magkakaroon rin ngindustrial parks sa Malaysia, Belarus at iba pang lugar.
Ang belt and road forum ay dinaluhan ng mgalider ng mga bansa kabilang na si Russian President Vladimir Putin.
Gayunman, hindi nakadalo rito si PangulongRodrigo Duterte dahil naghahanda ito sa leaders roundtablediscussion ngayong araw kung saan tatalakayin ang tungkol saekonomiya.
Pagbubukas ng Silk Road Summit sa Beijing, pinangunahan ni Chinese President Xi Jin Ping
Facebook Comments