Pagbubukas ng sinehan sa GCQ areas, ipinagpaliban

55

Ipinagpaliban ng mga malalaking mall operator ang pagbubukas ng mga sinehan sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ).

Ito ay kahit pinayagan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbubukas ng mga sinehan sa Metro Manila.


Ayon kay SM Supermalls President Steven Tan, nakikipag-ugnayan pa sila sa mga Local Government Unit (LGU) para sa mga ipatutupad na mas mahigpit na health protocols.

Bukod sa SM Cinemas, ipinagpaliban din ang pagbubukas ng mga sinehan sa lahat ng Robinsons Malls.

Sinabi naman ng Ayala Malls na hangga’t hindi pa naaaprubahan ng LGU na pwede nang buksan ang mga sinehan ay mananatiling sarado ang mga ito.

Facebook Comments