Nakakalula sa ganda ang inaasahang pagbubukas ng bagong cafe library sa bayan ng Binalonan na tiyak na magiging paboritong lugar ng mga book enthusiast.
Sa sneak peek na ibinahagi ng LGU Binalonan, kapansin-pansin ang state-of-the-art na disenyo ng gusali na may dalawang palapag. Taglay nito ang tahimik na ambiance ng isang library at relaxing vibe ng isang cafe.
Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas, inaanyayahan din ang publiko na idonate ang mga lumang libro, bilang suporta sa adhikaing makapagbigay ng mas maraming babasahin sa komunidad.
Layunin ng proyektong ito na pagsamahin ang mga book enthusiast, mga estudyante, at ang komunidad upang mahikayat na yakapin ang kultura ng kaalaman. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments





