Pagbubukas ng Upper Wawa Dam sa Rizal, pangungunahan ni PBBM

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbubukas ng Upper Wawa Dam ngayong umaga sa Rodriguez, Rizal.

Ito ang sinasabing pinakamalaking dam na naitayo sa nakalipas na 50 years at titiyak sa maayos na water supply ng Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.

Mula sa Rizal ay babalik naman sa Malacañang ang pangulo para sa Signing Ceremony ng DOJ-NPS Rules on Preliminary Investigation.


Pagdating naman ng hapon ay pangungunahan ng pangulo ang paggawad ng parangal sa mga natatanging MSMEs at develop partners ng bansa.

Kasunod nito ay sasaksihan ng pangulo ang paglagda sa concession agreement for the Tarlac- Pangasinan- La Union Expressway Extension Project.

Facebook Comments