Tiwala si Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na mapapabilis ang pagkamit natin sa inaasam na population protection at herd immunity.
Sinabi ito ni Go, kasunod ng pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na buksan sa general population simula October ang pagbabakuna laban sa COVID-19.
Diin ni Go, ang pagpapalawak sa vaccination program ay susi para dahan-dahan tayong makabalik sa normal na pamumuhay at para maging mas masaya ang ating Pasko.
Kung patuloy aniyang bababa ang bilang ng mga nagkakasakit at tataas naman ang bilang ng bakunado, ay mas mabilis nating maibabangon ang ekonomiya.
Kaugnay nito ay iminungkahi ng opisyal ang pagbibigay ng insentibo sa mga bakunado tulad ng mas maluwag na mga patakaran.
Paliwanag ni Go, makaka-engganyo ito at makakapagpataas ng tiwala sa COVID-19 vaccine.