Pagbubuwis sa mga maaalat na pagkain, haharangin ng oposisyon sa Kamara

Manila, Philippines – Hindi pa man naihahain sa Kamara ay nakahanda nang harangin ng mga taga-oposisyon ang planong pagpapataw ng buwis sa mga maaalat na pagkain.

Ayon kay House Minority Leader Benny Abante, nauunawaan nila ang katuwiran sa pagbubuwis sa alak at soft drinks dahil nakasasama naman talaga ito sa kalusugan.

Ngunit ibang usapan aniya kung ang bubuwisang pagkain ay regular na kinokonsumo ng mga tao lalo na ng mahihirap.


Iginiit ng kongresista na ito ay pangangailangan at hindi luho na maituturing lalo at ito lamang din ang abot – kayang bilhin ng karamihan sa mga tao.

Paalala ni Abante sa Department of Health o DOH, trabaho nito na paalalahanan ang publiko sa mga nakasasama sa mga pagkain lalo na kung sobra at hindi ang pagpapataw ng buwis.

Facebook Comments