Manila, Philippines – Pabor ang ilang mambabatas na silipin ng Kamara ang mga negosyong pinapasok ng mga religious institutions.
Ayon kina Ako Bicol Rep. Rodeo Batocabe at PBA Rep. Mark Sambar, kung mistulang negosyo na ang mga aktibidad ng mga religious sektor at wala nang kinalaman sa simbahan ay maaari itong patawan ng buwis.
Pero, iginiit ni Batocabe na dapat muna itong pag-aralang mabuti ng Kamara.
Tutol naman ang mga kongresista na patawan ng buwis ang mga religious works tulad ng pagtulong sa pamayanan at iba pang charity works.
Nauna dito ay pinasisilip ni Speaker Pantaleon Alvarez sa ehekutibo at sa House Ways And Means Committee kung nagbabayad ng buwis ang mga religious institutions sa kanilang mga negosyo.
Ipinunto ni Alvarez ang mga eskwelahan ng mga religious institutions na may napakamamahal na matrikula kahit ikumpara sa ibang pribadong paaralan pero hindi ito nagbabayad ng buwis.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila, Conde Batac
Facebook Comments