Posibleng makaapekto sa isinusulong na peace talks ng pamahalaan sa pagitan ng mga CPP -NPA -NDF ang muling pagbuhay ng Anti-Subversion Law sa bansa.
Sa panayam ng Media matapos dalawin ang mga pamilyang nasunugan sa Potrero, Malabon, iginiit ni Senador Christopher Bong Go na maaaring masayang ang mga nauna nang hakbang ng pamahalaan sa usapang pangkapayapaan.
Ani Go, hindi ang subversion o pagbabawal sa mga makakaliwang grupo ang sagot sa isyu ng rebelyon sa bansa kundi ang diplomatikong hakbang gaya ng peace talks na kasalukuyan nang gumugulong sa pakikipag-usap nito sa mga lokal na pamahalaan.
Nauna nang inalmahan ng ilang opposition partylist sa kamara ang mungkahing ito ni Interior Secretary Eduardo Año.
Anila, maaaring magdulot lang ito ng pangamba sa muling pagpapanumbalik noong panahon ng martial law sa ilalim ng rehimeng Marcos kung saan maraming huhulihin at ikukulong.