Pagbuhay ng peace talks sa pagitan ng CPP NPA NDF. hindi pa napapanahon – AFP

Manila, Philippines – Hindi pa napapanahon para buhayin ang naudlot na peace negotiations sa CPP-NPA-NDF.

Ito ang pahayag ni AFP chief of staff gen Eduardo matapos paglulunsad kahapon ng Inter-Agency Committee on legal action IACOLA, sa Camp Crame NHQ.

Ang bagong-likhang komite ang magsusulong ng mga kaso, at magsasagawa ng intelligence-gathering kontra sa NPA, mga terrorista at iba pang threat groups na gumawa ng kalupitan laban sa mga sundalo at pulis.


Sa kaso ng NPA, sinabi ni General Ano, na political decision ang muling pakikipagusap ng pamahalaan sa mga komunista at laging handa lamang ang AFP at PNP na sundin ang anumang desisyon ng liderato.

Pero sa ngayon aniya, walang nakikita ang militar na nagsusumikap ang mga komunista na makiisa para pagpapatuloy ng peace talks.

Aniya, patuloy ang NPA sa kanilang pag-atake sa mga sundalo at panunununog sa pribadong ari-arian, na ipinipapatigil ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang kondisyon sa pagbuhay ng peace talks.

Facebook Comments