Manila, Philippines – Dismayado si Kabataan PL Rep. SarahElago sa pagbuhay sa taunang balikatan exercises na gaganapin sa susunod nabuwan.
Kabilang sa tinukoy na mga dahilan ng AFP sa pagbabalikng exercises ay para sa paghahanda sa kalamidad at counter-terrorism.
Pero ayon kay Elago, taliwas ito sa naunang mga pahayagni Pang. Duterte na nais nitong lumayas na ang mga tropang Amerikano sa Pilipinas.
Naniniwala ang kongresista na gusto lamang ng EstadosUnidos na kaladkarin ang Pilipinas sa giyera nito sa middle east at iba pangbansa.
Duda ito sa layunin ng exercises kahit pa sinasabingwalang bakbakan at tututok lamang sa humanitarian at civil assistance.
Ipinaalala pa ni Elago kung paanong nakialam ang amerikasa mga operasyon ng militar sa Mindanao gaya sa oplan Exodus kung saan namatayang SAF 44.
Pagbuhay sa balikatan exercise, mariing tinutulan ng isang kongresista
Facebook Comments