PAGBUHAY SA BAWAT KASAYSAYAN AT KULTURA NG MGA LGUs SA PANGASINAN, IPINANAWAGAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN

Hinikayat ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang lahat ng lokal na pamahalaan o bayan sa probinsya na magkaroon ng panahon upang alamin at saliksiking maigi ang mga kasaysayan at kultura ng kanilang bayan.
Ito ang nais iparating ng Gobernador ng lalawigan na si Ramon “Monmon” Guico III kahapon sa isang flag ceremony kung saan sinabi nito na tignan maigi ang lahat ng kultura at kasaysayan ng kani-kanilang mga bayan dahil kung titignan aniya, ang probinsiya ay 443 taon na ang pundasyon nito na kung saan marami pa umano ang mga nakatago pang dapat saliksikin.
Layunin nito ay upang buhayin, ma-promote at ma-preserve ang lahat ng mga ito dahil isa itong yaman ng probinsya at lalong-lalo na sa kanilang mga munisipalidad at upang mas makilala pa ito ng mga susunod pang mga henerasyon.

Magagamit din umano ito upang mas makilala pa sa buong Pilipinas na marami pa palang mga yaman, kasaysayan at kultura ang Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments