Manila, Philippines – Muling hinikayat ni Pangulong Rody Duterte ang kongreso na buhaying muli ang implementasyon ng death penalty sa bansa.
Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na ito lang ang nakikita niyang paraan upang tapusin ang problema sa iligal na droga at korapsyon sa bansa.
Binanatan din ni Pangulong Duterte ang sinabi ng un rapporteur na si Agnes Callamard na hindi nakakasira ng utak ang paggamit ng iligal na droga.
Maging ang panghihimasok ng Commission on Human Rights sa kampanya ng administrasyon laban sa droga ay inupakan din ng pangulo.
Facebook Comments