Pagbuhay sa local garments industry, mas dapat tutukan sa halip na buwisan ang pagtitinda ng ukay-ukay

Iginiit ng Gabriela Party-list na anti-poor o hindi pabor sa panig ng mga mahihirap ang panukala na patawan ng buwis ang pagtitinda ng ukay-ukay o mga nagamit ng damit.

Paliwanag ni Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas, sa mahal ng bilihin ngayon ay hindi na kaya ng ordinaryong Pilipino na bumili ng bago at mamahaling damit kaya bumibili na lamang sa ukay-ukay kahit gamit na.

Kinatwiran ni Brosas, ang pagpapataw ng buwis ay magkakaroon ng epekto hindi lamang sa mga bumibili nito kundi pati na rin sa mga maliliit na negosyante at online sellers na umaasa sa ukay-ukay para sa kanilang kabuhayan.


Diin ni Brosas, ang marapat na hakbang ngayon ay ang buhayin at palakasin ang ating lokal na industriya ng mga damit upang hindi na umasa ang mamamayan sa second-hand.

Ayon kay Brosas, kung aangat ang local garments industry ay makakagawa pa ito ng mas maraming trabaho sa kabila ng krisis na ating kinakaharap.

Facebook Comments