Pagbuhay sa Masagana 99 program, makakatulong na maisakatuparan ang ₱20 kada kilo ng bigas

Iginiit ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang pagbuhay sa Masagana 99 program na naging matagumpay sa pagtugon sa kakulangan ng suplay ng bigas noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kung saan nakapag-export pa tayo ng bigas.

Tiwala si Villafuerte na makatutulong ang Masagana program para makamit ang hangad ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na maibaba sa ₱20 ang kada kilo ng bigas.

Sa ilalim ng itinutulak na programa ng Department of Agriculture (DA), imbes na 99 na kaban, ay 129 na kaban ng bigas ang target ng pamahalaan na anihin kada ektarya.


Bunsod nito ay iminungkahi ni Villafuerte sa DA na gawin ang estratehiyang pagtatanim ng higher-yielding hybrid seeds sa 1.5 million ektarya ng lupain ngayong dry season.

Suhestyon din ni Villafuerte na gamiting pampondo sa Masagana 129 ang ₱10 billion na Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) mula sa nakokolentang buwis mula sa imported na bigas.

Facebook Comments