“Okay lang”
Ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos sabihing iginigiit ng mga rebeldeng komunista na buhayin ang usapang pangkapayapaan.
Ayon sa Pangulo – nais nina National Democratic Front of the Philippines (NDFP) chief negotiator Fidel Agcaoili at senior adviser Luis Jalandoni na umuwi ng Pilipinas.
Matatandaang sina Agcaoili at Jalandoni, kasama ang negotiating panel member Coni Ledesma ay hindi itinuloy ang planong pag-uwi sa Pilipinas noong November 2018 dahil sa banta sa seguridad.
Nitong Marso ay sinabi ni Government Peace Adviser Carlito Galvez Jr. na binawi ang safe conduct passes ng NDFP consultants matapos ang termination ng peace talks.
Samantala, iginiit ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ang pahayag ng Pangulo na “okay lang” ay hindi sapat lalo na at batid nila ang umiiral na political environment sa Pilipinas na hindi akma sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.