Pagbuhay sa PNR project sa Bicol Region, hiniling ng isang kongresista kay Pangulong Marcos

Nanawagan si Asst. Minority Floor Leader at Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr., kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na muling buhayin ang Philippine National Railway o PNR Project sa Bicol Region.

Giit ni Bordado, napakahalaga ng proyektong ito para sa economic growth and development ng rehiyon.

Paliwanag ni Bordado, kasabay ng paglaki ng populasyon ay ang pagtindi rin sa problema sa transportasyon at daloy ng trapiko.


Ipinaliwanag ni Bordado na sa pamamagitan ng PNR project, ay gagaan ang usad ng mga sasakyan sa rehiyon, mababawasan ang polusyon at bibilis ang paglago ng kanilang lokal na ekonomiya.

Tiwala si Bordado na ang pagsasakatuparan ng PNR project Bicol Region ay malaking benepisyo para sa mamamayan lalo na ang mga naninirahan sa malalayong lugar.

Facebook Comments