Pagbuhay sa usapin ng ChaCha, hindi napapanahon ayon sa ilang mga senador

Muling iginiit ng ilang mga senador na hindi napapanahon ang pagsusulong ng Charter Change (ChaCha) sa bansa.

Kaugnay na rin ito sa pahayag ni Speaker Martin Romualdez na sa susunod na taon ay bubuhayin muli ng Kamara ang paguusap tungkol sa ChaCha partikular sa isyu ng economic provision.

Ayon kay Senator Imee Marcos, si Pangulong Bongbong Marcos na mismo ang nagsabi na hindi napapanahon ang ChaCha at mas dapat na nakatutok tayo sa trabaho at pagpapababa ng presyo ng mga bilihin at mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas.


Sinabi pa ni Sen. Marcos na dalawang beses nang naibasura ng Senado ang ChaCha kaya tanong ng senadora kung ano pa ang dahilan at pinagpipilitan pa ito sa Kamara.

Pasaring pa ni Sen. Marcos na posibleng may gustong mag Prime Minister na malabong manalo na Presidente.

Kinukwestyon naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kung tama ba na ngayong panahon isulong ang charter change dagdag pa rito ang katanungan tungkol sa prosesong gagawin.

Dagdag ni Villanueva, kailangang maging maingat sa proseso lalo’t mageeleksyon ulit at posibleng maging biktima ang sinumang magtutulak nito pata palawigin ang kanilang termino na aniya’y isang valid na punto.

Facebook Comments