Pagbuhos ng mga bakuna sa Metro Manila, iminungkahi ng dating health advocate

Iminungkahi ni dating National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Tony Leachon na ibuhos muna sa National Capital Region (NCR) ang mga bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Leachon, posibleng ma-dilute o maghalo ang epekto ng bakuna kung paunti-unti ang bilang ng mga health worker na mababakunahan.

Ang lugar na partikular na kailangang bigyan ng maraming bakuna ay ang Pasay City kasabay ng pagpapatupad ng granular lockdown testing at isolation para mapigilan ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.


Sa ngayon, sumagot na ang Malakanyang sa panawagan ni Leachon na unahin muna ang Metro Manila sa pagsasagawaan ng vaccination drive dahil sa taas ng kaso sa ilang lugar.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, bahagi na ito ng vaccination plan ng gobyerno kaya hindi lamang ilang sektor ang uunahin kundi pati na rin ang geographical na aspeto.

Facebook Comments