Pagbukas ng mga sementeryo sa eastern part ng Metro Manila nitong nakaraang tatlong araw, naging maayos ayon sa EPD

Inihayag ng Eastern Police District (EPD) na naging maayos at peaceful ang walong sementeryo habang bukas ito sa publiko ng tatlong araw para sa panahon ng Undas.

Ayon kay Police Brigadier General Matthew Baccay, hepe ng EPD, naipatupad ng maayos ang health and safety protocols laban sa COVID-19 sa lahat ng sementeryo na sakop ng EPD.

Aniya, naipatupad din ng tama ang mga panuntunan sa mga sementeryo na ipinatupad ng mga lokal na pamahalaan ng Marikina, Pasig, Mandaluyong, at San Juan sa panahon ng Undas.


Tiniyak naman ni Baccay na magde-deploy pa rin sila ng mga pulis sa mga lahat ng sementeryo na sakop ng eastern part ng Metro Manila habang sarado ito sa publiko simula ngayong araw, October 29 hanggang November 2.

Ito’y upang matiyak na walang taong pupunta sa mga sementeryo.

Facebook Comments