Isinulong ni Makati City Rep. Luis Campos Jr., ang paglikha ng ₱1 billion special education fund na magbibigay ng kakayahan sa mga state universities and colleges (SUCs) na magptakbo ng sariling nursing schools.
Nakapaloob ito sa House Resolution No. 1510, na inihain ni Campos na layuning matugunan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa.
Tinukoy ni Campos ang pagtaya ng World Health Organization (WHO), na pagsapit ng taong 2030 ay aabot sa 4.6 milyon ang kakulangan ng mga nurse sa buong mundo.
Sabi ni Campos, sa Pilipinas naman ay aakyat sa 249,843 ang mga kulang na nurse pagdating ng 2030.
Ayon kay Campos, sa ngayon, sa kabuuang 117 SUC’s sa buong bansa, ay 44 lamang ang may nursing school o katumbas ng 37%.
Facebook Comments