Pagbuo ng agriculture commission, inirekomenda ng isang senador

Iminungkahi ni Senator Imee Marcos ang pagbuo ng Agriculture Commission o AgriCom na tututok sa problema sa pagsasaka sa bansa.

Puna ni Sen. Marcos, wala sa kaayusan ang agrikultura mula sa irigasyon, hanggang sa pagbebenta ng bigas at kalidad nito at sadyang marami talagang problema sa iba’t ibang sektor ng agrikultura.

Tinukoy ng senadora na maganda naman ang programang P20 kada kilo na bigas subalit may limitasyon kung anong sektor lang ang mabibigyan at posibleng hindi kayanin na buong Pilipinas ay i-subsidize ng murang bigas.

Mas makatutulong aniya kung matutukoy ang problema sa lahat ng aspeto ng pagsasaka.

Inirekomenda rin ng senadora na magkaroon ng suggested farm gate price, suggested traders price at suggested retail price para mabantayan ang presyuhan tulad ng bigas.

Facebook Comments